Sinabi kahapon ni pangulong Viladimir Putin ng Rusya na, kamakailan, ang military installation ng North Atlantic Treaty Organization o NATO ay lumalapit sa hanggahan ng Rusya, at gagawa ang Rusya ng "angkop na reaksyon" sa isyung ito.
Ayon sa ulat ng Rusya, sa pulong ng Konseho ng Pambansang Katiwasayan ng Rusya nang araw rin iyon, bumigkas si Putin ng talumpati na nagsasabing pinapalakas ng NATO ang military deployment sa loob ng Eastern Europe, kaya hiniling ni Putin sa naturang konseho na gumawa ng reaksyon sa naturang aksyon para malutas ang isyung posibleng magdulot ng panganib sa lipunan ng Rusya at sa buong bansa.
Salin:Sarah