Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tigil-putukan ng Israel at Palestina, pinasusulong ng Tsina

(GMT+08:00) 2014-07-25 09:02:57       CRI

Nag-usap kahapon sa Doha, kabisera ng Qatar, sina Wu Sike, Espesyal na Sugo ng Tsina sa isyu ng Gitnang Silangan, at Khaled Meshaal, Tagapangulo ng Pulitburo ng Islamic Resistance Movement (HAMAS), hinggil sa pagsasakatuparan ng tigil-putukan ng Israel at Palestina.

Sinabi ni Wu na ang sagupaan sa pagitan ng Israel at Palestina ay nagdulot ng malubhang kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian. Kaya ang kasalukuyang pangunahing gawain ay pagsasakatuparan ng tigil-putukan.

Sinabi pa ni Wu na nakahanda ang Tsina na pasulungin ang pagsasakatuparan ng naturang target at ipagkaloob ang mga makataong tulong sa mga apektadong mamamayan sa Palestina at Gaza Strip.

Pinasalamatan ni Meshaal ang mga pagsisikap ng Tsina para pasulungin ang tigil-putukan ng Israel at Palestina at ipagkaloob ang mga makataong tulong. Binigyang-diin din niya na nakahanda ang Hamas na isakatuparan ang tigil-putukan sa pundasyon ng pag-aalis ng blokeyo sa Gaza Strip at paggalang sa lehitimong kapakanan at karapatan ng mga mamamayan ng Palestina.

Salin: Ernest

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>