Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hamas, Israel sumang-ayon sa 12 oras na tigil-putukan

(GMT+08:00) 2014-07-26 15:25:20       CRI

Maraming panig na kinabibilangan ng UN, at iba pa, ang nanawagan kagabi sa Palestina at Isael na tanggapin ang makataong mungkahi ng tigil-putukan. Ipinahayag kaninang madaling araw ng Palestinian Islamic Resistance Movement (Hamas) na katanggap-tanggap ang naturang mungkahi ng UN na itigil ang putukan sa Gaza Strip sa loob ng 12 oras.

Sa isang maikling pahayag, sinabi ni Sami Abu-Zuhri, Tagapagsalita ng Hamas, na sinang-ayunan ng iba't-ibang paksyon ng bansa na kinabibilangan ng Hamas, ang nasabing mungkahi ng UN, at tatagal ng tigil-putukan mula alas-8:00 ngayong umaga (local time) hanggang alas-8:00 mamamayang gabi.

Kaugnay nito, hinimok kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Palestina at Israel na mataimtim na pakitunguhan ang panawagan ng komunidad ng daigdig at UN Security Council, at makipagkooperasyon sa medyasyon ng komunidad ng daigdig, at agarang isakatuparan ang walang pasubaling tigil-putukan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>