Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Problemang dulot ng pamahalaan sa sektor ng pagsasaka, malala

(GMT+08:00) 2014-07-28 20:16:40       CRI

SINABI ng mga panauhin sa Tapatan sa Aristocrat na lubhang pasakit ang kanilang naranasan sa ilalim ng Pamahalaang Aquino. Ikinalungkot ni Dr. Ted Mendoza ng University of the Philippines-Los Baños ang kakulangan ng salaping inilaaan sa Research and Development ng Department of Science and Technolohy kung ihahambong sa iba pang mga bansa sa ASEAN.

Ani Professor Mendoza napakalayo ng halagang ginugugol sa Research and Development ng iba't ibang mga bansa sa Associaton of Southeast Nations sapagkat wala pa ito sa haligi ng bansa 1% ng Gross Domestic Product ng bansa. Karamihan ng mga nagtatapos sa mga kolehiyo ay nagkakaroon lamang ng panandaliang pagsasanay sa bansa at nangingibang-bansa na rin.

Para kay Rene Pamintuan, isang dalubhasa sa logistics, sa mga truck pa lang na hindi makapagbihaye ng maayos ay tumataas na ang singil sa mga may kargamento. Bukod rito, tumataas ang halaga ng paglalabas ng kalakal sapagkat tila 'di batid ni Pangulong Aquino ang nagaganap sa mga daungan.

Ayon kay Dr. Rene Ofreneo, maraming mga manggagawa ang naghihintay na mabigyan ng trabaho subalit ang mga trabaho ay nasa larangan ng services sector sapagkat walang mangangalakal ang nakapagbibigay ng trabaho sa manufacturing sector.

Sinabi naman ni Bb. Arze Glipo, executive director Integrated Rural Development Foundation, mas makabubuting suriin ng pamahalaan ang mga tauhan nito upang matiyak na iisa ang manunugtog o conductor upang hindi magkasala-salabat sa kanilang mga palatuntunan. Nararapat mayroong focus sa mga makabayang probisyon ng pamahalaan sa larangan ng Ekonomiya upang matamo ang malayang mga programa.

Nagtataka sina Senador Francisco Tatad at ipa pang mga kasapi ng panel kung bakit kailangang magkaroon ng dalawang kalihim sa Kagawaran ng Pagsasaka. Hindi pa raw ba sapat ang iisa at kailangang paghatian ang mga tanggapan. Napuna rin nina Dr. Ofreneo na tila may grassroots exposure si dating Senador Francis Pangilinan bagama't nasa regional offices lamang ang maaaring galawan ni Kalihim Procy J. Alcala.

Para kay Ruperto Aleroza, isang lider ng mga magsasaka at mangingisda, unti-unti nang nasusukol ang kanilang sektor sa pagdami ng mga kumpitensya sa mga palatuntunang hindi makatao.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>