Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

People's Daily: May determinasyon ang CPC sa reporma at "paglinis ng sarili"

(GMT+08:00) 2014-07-30 08:58:56       CRI
Kaugnay ng kapasiyahan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), naghaharing partido ng Tsina, na isagawa ang pagsisiyasat sa kaso ni Zhou Yongkang, hinggil sa malubhang paglabag sa disiplina, nagpalabas ngayong araw ang People's Daily, opisyal na pahayagan ng CPC, ng komentaryo na nagsasabing ito ay nagpapakita ng katapangan at determinasyon ng CPC sa reporma, "paglinis ng sarili", at mahigpit na pangangasiwa sa mga suliranin ng partido.

Anang komentaryo, ang naturang kapasiyahan ay nagpapakita ng pagsisikap ng CPC para limitahan ang kapangyarihan sa loob ng sistema.

Nagpaalaala ang komentaryo sa buong 86 milyong miyembro ng CPC na kinakaharap nila ang malaking hamon na dulot ng korupsyon at paglabag sa disiplina ng partido. Kaya, anang artikulo, dapat isagawa ang mahigpit na pangangasiwa sa mga suliranin ng partido.

Isinilang si Zhou Yongkang sa lalawigang Jiangsu noong Disyembre ng taong 1942. Mula taong 2007 hanggang taong 2012, nanungkulan siya bilang Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo at Kalihim ng Political and Legislative Affairs Committee (PLAC) ng Komite Sentral ng CPC. Nauna rito, nanungkulan siya minsan bilang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, at Chief Officer ng CPC sa lalawigan Sichuan.

Salin: Ernest

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>