Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xinjiang, nagluksa sa pagkamatay ni Imam Tahir

(GMT+08:00) 2014-08-01 09:31:03       CRI

Idinaos kahapon sa Rehiyong Awtonomo ng Uyghur ng Xinjiang ang pulong hinggil sa kaso ng pagpatay kay Jume Tahir, imam ng Id Kah Mosque sa Kashgar. Bago nagsimula ang pulong, inalay ang 3 minutong katahimikan ng lahat ng mga lumahok bilang pagluluksa kay Imam Tahir.

Si Imam Tahir na 74 na taong gulang ay pinatay ng tatlong suspek alas-6:58 kamakalawa ng umaga pagkaraang mangulo sa pagdarasal sa moske. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang tatlong suspek ay kinilalang sina Turghun Tursun, Memetjan Remutillan at Nurmemet Abidilimit. Nagplano sila ng di-umano'y "malaking pangyayari" para mapalakas ang kanilang impluwensiya.

Nanawagan sa nasabing pulong si Zhang Chunxian, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Party Chief ng Xinjian, sa lahat ng mga mamamayan ng Xinjiang na magkaisa para mabigyan-dagok ang mga terorista at ekstrimista at mapangalagaan ang pagbubuklod ng rehiyon.

Isinasagawa pa rin ang ibayo pang imbestigasyon.

Nanungkulan si Tahir bilang imam sa Id Kah Mosque sapul noong 2003. Siya ay kilalang-kilalang Islamic religious leadr at Pangalawang Presidente ng China Islamic Association. Dati rin siyang deputado ng Pambansang Kongresong Bayan, kataas-taasang lehislatura ng bansa.

Ang Id Kah Mosque na may 600 taong kasaysayan ay tumatanggap ng mahigit 2,000 Muslims araw-araw.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>