Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xinjiang, kinondena ang pagpatay sa religious leader

(GMT+08:00) 2014-08-01 09:31:25       CRI

Ang mga tauhan mula sa iba't ibang sektor ng Xinjiang ay nagsipahayag ng kanilang pagluluksa sa pagkamatay ni Jume Tahir, imam ng Id Kah Mosque sa Kashgar. Nagpahayag din sila ng kondemnasyon sa krimen ng mga teroristang suspek.

Si Imam Tahir na 74 na taong gulang ay pinatay ng tatlong suspek alas-6:58 kamakalawa ng umaga pagkaraang mangulo sa pagdarasal sa moske. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang tatlong suspek ay kinilalang sina Turghun Tursun, Memetjan Remutillan at Nurmemet Abidilimit. Ginawa nila ang krimen na itinutulak ng ekstrimismong panrelihyon.

Ipinahayag ni Sang Yun, Puno ng Kasamahan ng mga Abugado ng Xinjiang na sa pagkakataong ito, tumuon ang mga terorista sa lider na panrelihiyon. Lubos na ikinalungkot at ikinapoot niya ang pangyayaring ito. Aniya pa, ang karahasan ng mga terorista ay nagsisilbing pagyurak sa saligang karapatang pantao at hamon sa buod ng sibilisasyon ng sangkatauhan.

Sinabi naman ni Erken Niyazi, opisyal ng Kawanihan ng Droga at Pagkain ng Kashgar na ang marahas na pagpatay ng mga terorista sa lubos na iginagalang na imam na si Jume Tahir ay lampas sa mga aksyon ng tao.

Sinabi naman ni Ruxianguli Tuniyaz, street-sweeper ng Kashgar na ayon sa Quran, bawal na bawal ang pagpatay sa mga inosenteng tao, isang mabigat na krimen. Hindi makatao ang mga terorista at kailangan silang parusahan.

Sinabi naman ni Maimaiti Yiming na ang krimen ng mga terorista ay nag-iwan ng matinding sugat sa damdamin ng iba't ibang nasyonalidad ng Xinjiang. Ipinagdiinan niyang sa kasalukuyang kalagayan, kailangang ibayo pang magbuklod ang mga mamamayan ng Xinjiang para mapangalagaan ang katarungan ng batas at mapayapang pamumuhay ng mga residente.

Nanawagan naman ang Samahang Islamiko ng Xinjiang sa lahat ng mga Muslim ng rehiyon na alamin ang kapinsalaan ng terorismo at ekstrimismo para mapangalagaan ang pagkakaisa ng rehiyon at harmonyang panrelihiyon. Idinagdag pa nito na ang marahas na krimen ng mga terorista ay buong higpit na tinututulan ng lahat ng mga Muslim.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>