Ipinahayag kahapon ni Thanasak Patimaprakorn, Pangalawang Tagapangulo ng National Council for Peace and Order (NCPO) ng Thailand, na sinimulang lumikas mula sa Libya ang mga sibilyang Thai at dumating na ng Bangkok ngayong araw ang unang batch na binubuo ng 41 tao.
Sa kasalukuyan, may mga 1500 mamamayang Thai na kailangang lumikas mula sa Libya, pero, dahil nasa panahon ng Lasser Bairam ang Tunisia, kaya, ipinagpaliban ang bisa ng mga mamamayang Thai na kailangang pumasok sa Tunisia mula sa Libya. Napag-alamang, aktibong nakikipagkoordina ang Embahada ng Thailand sa pamahalaan ng Libya para balewalain ang bisa ng pagpalabas ng mga mamamayang Thai.