Ipinahayag ngayong araw ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni U Wanna Maung Lwin, Ministrong Panlabas ng Myanmar, mula ika-8 hanggang ika-11 ng buwang ito, dadalaw sa Myanmar si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina. Lalahok rin siya sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN (10+1); Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3); Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Summit ng Silangang Asiya; at Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN Regional Forum. Idaraos ang naturang mga pulong sa Nay Pyi Daw ng Myanmar.
Salin:Sarah