Kaugnay ng serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN na idaraos sa Myanmar, ipinahayag kamakailan ni Yang Xiuping, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na ang kooperayon ang siyang dapat maging pokus ng naturang mga pulong. Aniya, umaasa ang Tsina na bibigyang-priyoridad ng mga pulong ang isyung may kinalaman sa pag-unlad, pamumuhay ng mga mamamayan, kooperasyon, at pangangalaga sa pangkalahatang kalagayan ng kooperasyon ng Silangang Asya sa aspekto ng pulitika.
Umaasa rin si Yang na sa naturang serye ng mga pulong, maayos na hahawakan ang mga sensitibong isyu batay sa mga prinsipyong "sa ilalim ng pamumuno ng ASEAN," "magsanggunian para magkaisa ng palagay," at "isaalang-alang ang interes ng iba't ibang panig."