Ayon sa ulat ng panig opisyal ng Iraq, pagkaraang magapi ang lokal na sandatahang lakas, napasakamay kahapon ng ekstrimistang organisasyong "Islamic State in Iraq and the Levant" ang Sinjar at Zumar, dalawang mahalagang bayan sa lalawigang Ninevehdin sa dakong hilaga ng Iraq. Dahil dito, itinaboy ng nasabing organisasyon ang halos 200 libong residente mula sa dalawang bayang naturan.
Nang araw ring iyon, nagpahayag ng pagkabigla si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa naturang pinakahuling pangyayari sa Iraq. Aniya, ikinababahala niya ang kaligtasan ng mga itinaboy na sibilyan. Binigyang-diin din ni Ban na dapat sundin ng iba't ibang panig ang pandaigdig na batas at pangalagaan ang mga sibilyan sa mga lugar na apektado ng digmaan.