Pagkaraang maganap ang 6.5 magnitude na lindol kahapon ng hapon sa Ludian County, Zhaotong City sa probinsiyang Yunnan, sa dakong timog- kanluran ng Tsina, ang mga puno ng estado at puno ng pamahalaan ng iba't ibang bansa at organisasyong pandaigdig na gaya ng Rusya, Biyetnam, Timog Korea, Hapon, Amerika, Kazakhstan, Alemanya, Switzerland, Lithuania, United Arab Emirates at Liga ng mga Bansang Arabe (AL) ay nagpahayag ng kanilang pakikidalamhati sa kanilang counterpart na Tsino.
Nagpahayag din si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN ng kanyang pakikidalamhati sa mga kamag-anak ng mga biktima. Nakahanda aniya ang UN na magkaloob ng tulong na humanitaryan.
Hanggang alas-2 kahapon ng hapon, 398 na ang naitalang patay sa lindol sa Yunnan. Kasabay nito, mahigit 1,800 ang nasugatan. Halos isang milyong mamamayan ang apektado at halos 230,000 ang pangkagipitang inilikas.
Alas-4:30 kahapon ng hapon, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang Ludian. Ang epicenter nito ay labing-dalawang (12) kilometro ang lalim at matatagpuan din sa naturang lokalidad.
Salin: Jade