Puspusang isinasagawa ngayon ang rescue work sa nilindol na lugar ng Ludian, lalawigang Yunnan ng Tsina.
Hanggang kahapon, naglaan na ang lalawigan ng Yunnan ng 23 milyong yuan RMB na relief fund, at nagkaloob ng mga relief materials na gaya ng tolda, folding bed, at iba pa.
Samantala, dahil binabarahan ng landslide ang lokal na ilog, nabuo ang isang malaking lawa na mahigit walong kilometro lamang ang layo sa nilindol na lugar. Bilang tugon sa panganib na ito, isinasagawa ng mga may kinalamang panig ang mga pangkagipitang hakbangin na gaya ng paglilikas ng mga residente sa dulong ibaba, at pagpapatabon ng tubig mula sa lawa.