Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, ASEAN nag-usap hinggil sa pagpapahupa ng kahirapan

(GMT+08:00) 2014-08-08 16:17:47       CRI

NAY PYI TAW, Myanmar—Binuksan kahapon ang tatlong-araw na Ika-8 Porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa Kaunlarang Panlipunan at Pagpapahupa ng Karalitaan.

Sa kanyang talumpati sa Porum, sinabi ni Liu Yongfu, Puno ng Leading Group Office of Poverty Alleviation and Development ng Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina, na ang pagpawi ng kahirapan at pagsasakatuparan ng Millennium Development Goal (MDG) ay komong hangarin ng Tsina at mga bansang ASEAN. Aniya, sa Tsina, itinatampok ng usaping ito ang pagpapasulong ng kaunlarang panrehiyon ng iba't ibang lugar ng bansa at ang pagbibigay-tulong sa mahihirap na pamilya.

Si Ohn Myint, Ministro ng Livestock, Pangingisda at Kaunlarang Rural ng Myanmar

Sinabi naman ni Ohn Myint, Ministro ng Livestock, Pangingisda at Kaunlarang Rural ng Myanmar, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na umaabot sa 62% ang poverty rate sa kanayunan ng ASEAN, kaya, nagtutulungan ang mga bansang ASEAN para mapahupa ang karalitaan; at kasabay nito, kailangan ding pahigpitin ng ASEAN ang pakikipagtulungan hinggil dito sa mga bansang kadiyalogo.

Sa isang video, sinabi naman ni Helen Clark, Administrador ng UN Development Program, na ang Porum na ito ay nakakatulong sa Tsina at ASEAN sa kanilang pag-uunawaan at pagbabahaginan ng karanasan hinggil sa pagpapahupa ng karalitaan at pagpapasulong ng kaunlaran.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>