Sa preskon pagkatapos ng pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN at Tsina (10 plus 1) na idinaos kahapon sa Nay Pyi Taw, Myanmar, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa na pakinggan ang mga tapat na mungkahi hinggil sa isyu ng South China Sea.
Dagdag ni Wang, ang mga mungkahing ito ay dapat maging makatarungan at konstruktibo, at hindi naglalayong lumikha ng bagong kaguluhan.
Ipinahayag din ni Wang na hindi magbabago ang paninindigan ng Tsina na ipagtanggol ang sariling soberanya at mga kapakanan sa dagat.