|
||||||||
|
||
BUKAS si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa panawagang manatili siya sa poder kahit ipinagbabawal ng Saligang Batas ang paghahalal na muli sa isang nakaupong pangulo.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ng pangulo na may posibilidad na manatili siya sa poder sa pagtatapos ng kanyang panunungkulan sa 2016. Kailangan umanong pakinggan niya ang kanyang mga "Boss."
Ang pakahulugan ni Pangulong Aquino sa katagang "Boss" ay ang kanyang mga pinaglilingkuran. Ito ang kanyang ginamit sa panyang inaugural speech noong ika-30 ng Hunyo, 2010.
Sinasabi ng Saligang Batas na ang Pangulo ay hindi na magkakaroon ng re-election. Walang sinumang humalili sa isang pangulo at nakapaglingkod ng higit sa apat na taon ang pahihintulutang tumakbo sa halalan.
Bukas na rin si Pangulong Aquino na ayusin ang ilang bahagi ng Saligang batas na binuo at ipinasa noong panahon ni Pangulong Corazon C. Aquino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |