|
||||||||
|
||
Binuksan kahapon sa SMX Convention Center sa Maynila ang eksibisyon ng mga mechanical at electrical product ng Tsina. Nagpadala ng mga mensaheng pambati sa eksibisyon sina Pangulong Benigno Aquino III, Pangalawang Pangulong Jejomar Binay, Senate President Franklin Drilon, at Ispiker Feliciano Belmonte, Jr. ng Mababang Kapulungan.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Aquino ang mainit na pagtanggap sa naturang eksibisyon. Aniya, pasusulungin ng ganitong aktibidad ang kabuhayan ng Pilipinas, at patitingkarin nito ang positibong papel para sa paglikha ng pagtitiwalaan at pagpapahupa ng tensyon ng dalawang bansa.
Ang kasalukuyang eksibisyon ay ikasampung ganitong eksibisyon ng Tsina sa Pilipinas. Mahigit 60 bahay-kalakal na Tsino ang kalahok sa 3-araw na eksibisyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |