Pinagtibay kahapon ng Parliamento ng Ukraine ang ilang hakbang sa pagpapataw ng sangsyon laban sa 172 indibiduwal at 65 bahay-kalakal ng Rusya na nagbibigay-tulong sa sandatahang lakas kontra sa pamahalaan ng Ukraine. Ang mga ito ay kinabibilangan ng pagbabawal sa pagdaan ng natural gas ng Rusya sa teritoryo ng Ukraine tungo sa Europa, pagbabawal sa pagtawid sa Ukraine ng mga sasakyang panlupa't panghimpapawid ng Rusya, pag-freeze sa pondo at ari-arian ng mga bahay-kalakal na Ruso sa Ukraine, at iba pa.
Sa kasalukuyan, 30% ng natural gas na ginagamit ng Europa ay galing sa Rusya, at ang kalahati nito ay dumaraan sa Ukraine.