Ayon sa ulat ng Philstar, noong unang hati ng kasalukuyang taon, nakahikayat ang Pilipinas ng 2.43 milyong person-time na turistang dayuhan. Ito ay lumaki ng 2.22% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2013. Kabilang dito, ang mga turistang Asyano ay katumbas ng 58.8% ng kabuuang bilang ng mga turista.
Ang Timog Korea ay nananatili pa ring pinakamalaking pinanggagalingan ng mga manlalakbay sa Pilipinas. Pumangalawa ang Estados Unidos. 226 libong person-time ang bilang ng mga manlalakbay na Tsino sa Pilipinas, na lumaki ng 13.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ang Tsina ay naging ika-3 pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turista sa Pilipinas.
Salin: Vera