Sa isang pahayag na inilabas kahapon ng tagapagsalita ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, positbio ito sa isinasagawang pagwasak sa mga materyal na kemikal na idineklara ng Syria sa U.S ship MV Cape Ray.
Anito, ang aksyong ito ay nagsisilbing tagumpay sa pagwasak sa mga sandatang kemikal ng Syria at pangangalaga sa seguridad ng komunidad ng daigdig.
Pinasalamatan din ng pahayag ang tulong na ibinibigay mula sa mga miyembrong bansa ng UN na kinabibilangan ng Tsina at organisasyong pandaigdig sa usaping ito.