|
||||||||
|
||
PINAMUNUAN ni Paranaque Bishop Jesse E. Mercado, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Lay Apostolate ang isang araw na theological pastoral symposium.
Pinamagatang "Saints and Heroes, No Less" ang pagtitipon ay pinamunuan ng Don Bosco Center for Studies at naglalayong liwanagin at palalimin ang pananaw at responsibilidad ng mga layko sa lipunan.
Si Fr. Francis Gustilo, SDB, ang nangasiwa sa pag-anyaya ng mga magsasalita tulad nina Professor Bernie Villegas ng University of Asia and the Pacific, Bro. Frank Padilla, Bro. Mike Velarde, kasama sina EJ at Joy Aguila at Bro Raoiul Roncal.
Suportado ni Antipolo Bishop Gabriel Reyes ng Episcopal Commission on Family and Life ang pagpupulong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |