|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Ngem Vannda, Unang Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Komisyon ng Pamamahala sa Kalamidad ng Kambodya, na lumitaw kamakailan ang malakas na ulan sa iba't-ibang lugar ng bansang ito, at binaha ang maraming lalawigan. Hanggang sa ngayon, 45 katao ang naitalang nasawi.
Ayon pa rin kay Ngem Vannda, kasalukuyang binabaha pa rin ang 12 lalawigan ng bansa na kinabibilangan ng Stung Treng, Kratie, at iba pa. Halos 95 libong pamilya ang apektado ng baha.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |