Kahapon, ika-22 ng Agosto, ay ika-110 kaarawan ni Deng Xiaoping, yumaong dating lider ng Tsina. Nitong ilang araw na nakalipas, idinaos sa iba't ibang lugar ng Tsina ang mga aktibidad bilang paggunita sa okasyong ito.
Sa Lunsod ng Guang'an, Lalawigang Sichuan, lupang-tinubuan ni Deng Xiaoping, lumahok ang mga lokal na opisyal, mga kamag-anakan ni Deng, at mga mamamayan sa aktibidad bilang pagpapahayag ng paggalang at alaala sa nasabing dating lider na Tsino.
Si Deng Xiaopeng ay itinuturing na pangkalahatang tagadisenyo ng reporma ng Tsina. Kaya, sa alaala ni Deng, idinaos naman sa Guangzhou, Shenzhen, Shanghai, at mga iba pang lunsod ang mga eksibisyon hinggil sa reporma ng Tsina.