Noong Martes, isang P-3 Orion at isang P-8 Poseidon ng American Navy ang lumipad sa rehiyong panghimpapawid na 220 kilometro ang layo sa dakong silangan ng Hainan Island ng Tsina para maisagawa ang close reconnaissance.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Pambansa ng Tsina, na hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na totohanang tupdin ang may-kinalamang pandaigdigang batas at regulasyong pandaigdig, at babawasan hanggang ititigil ng Amerika ang close reconnaissance sa Tsina.
Salin: Li Feng