Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng Ministring Panlabas ng Rusya, sinabi nito na ikinasisiya ng bansa ang pagdating ng mga makataong materiyal sa dakong timog silangan ng Ukraine. Anito, sa loob ng darating na ilang panahon, nangangailangan pa rin ang mga residente sa naturang rehiyon ng Ukraine ng makataong tulong mula sa panig Ruso.
Ayon sa naturang pahayag, sa prosesong naghanda at nagsagawa ang panig Ruso ng pagkakaloob ng makataong tulong sa dakong timog silangan ng Ukraine, napanatili ng Rusya ang mahigpit na pakikipagkooperasyon sa International Committee of the Red Cross (ICRC). Mataimtim ding isinasakatuparan nito ang mga mungkahing iniharap ng komisyong ito, dagdag pa ng pahayag.
Salin: Li Feng