Ayon sa pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore, pinaplanong itatag ng Indonesia ang experimental nuclear reactor sa Serpong ng South Tangerang sa dakong timog kanluran ng Jakarta.
Noong Huwebes, nagpulong sa Jakarta sina Jarratt, namamahalang tauhan ng pambansang organo ng enerhiyang nuklear ng Indonesia, Alexander Bychkov, Pangalawang Direktor-Heneral ng International Atomic Energy Agency (IAEA), at Hada, Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Indonesia. Makikipagpalitan ng impormasyon, karanasan, at kaalaman ang IAEA hinggil sa teknolohiyang nuklear sa awtoridad ng Indonesia. Magkakaloob din ito ng mungkahi sa awtoridad ng Indonesia pagkaraang maitatag ang nuclear reactor.
Salin: Li Feng