|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon dito sa Beijing sina Li Keqiang, Premiyer ng Tsina at Gaston Browne, dumadalaw na Punong Ministro ng Antigua and Barbuda.
Laging naninindigan ang Tsina na pantay-pantay ang iba't ibang bansa, malaki man o maliit. Kapuwa mga umuunlad na bansa ang Tsina at Antigua and Barbuda, at nakahanda ang Tsina na palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, palakasin ang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura at palawakin ang pagpapalitang kultural.
Ipinahayag naman ni Browne na nagbibigay ang Tsina ng mga pagkatig sa kanyang bansa sa mga suliraning pandaigdig at pagharap sa pagbabago ng klima. Ito aniya ay nangangalaga sa komong interes ng mga umuunlad na bansa.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |