Inilunsad kahapon ng tropa ng Iraq ang malawakang operasyon para muling hawakan ang isang mahalagang haywey sa lalawigang Saladin sa dakong hilaga ng bansa, na sinasakop ngayon ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL).
Hanggang sa kasalukuyan, napatay na ng tropang Iraki ang maraming armadong tauhan ng ISIL, at nakontrol na ang malaking bahagi ng naturang haywey.
Sa isa pang development, pinuna kahapon ni Punong Ministro Nuri al-Maliki ng Iraq ang pananalita ni Pangalawang Pangulong Joseph Biden ng Amerika hinggil sa pagkatig sa pagsasagawa ng sistemang pederal sa Iraq. Tinawag ni Maliki ang pananalitang ito na pangwawatak sa Iraq, at nanawagan siya sa mga mamamayan na labanan ang planong ito.
Salin: Liu Kai