Sa kanilang pag-usap sa telepono kahapon, ipinahayag nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, na nakahanda ang dalawang bansa na magkasamang pasulungin ang pagtigil ng sagupaan sa Ukraine sa lalong madaling panahon. Bukod dito, magkasamang magsisikap ang dalawang bansa para mapahupa ang malubhang makataong krisis sa Ukraine at pasulungin ang paglutas ng krisis sa paraang pulitikal.
Para rito, ipinahayag nila na dapat panumbalikin ang takbo ng liaison group hinggil sa isyu ng Ukraine sa lalong madaling panahon. Ipinahayag ni Putin na nakahanda ang panig Ruso na magkaloob ng bagong round ng makataong tulong sa mga residente ng Luhansk at Donetsk ng Ukraine.
Samantala, binigyang-diin nila na dapat isagawa ang talastasan hinggil sa pagdaan sa Ukraine ng langis na iniluluwas ng Rusya sa mga bansang Europeo.