Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, Amerika pinag-usapan hinggil sa seguridad sa high seas

(GMT+08:00) 2014-08-29 15:07:56       CRI

Isang talastasan ang idinaraos ng Tsina at Amerika hinggil sa pagbalangkas ng code of conduct (COC) na may kinalaman sa seguridad na pandagat at panghimpapawid sa high seas, mula noong ika-25 hanggang ika-29 ng buwang ito.

Sa isang regular na preskon kahapon, ipinahayag ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina na ang nasabing talastasan ay para matupad ang narating na komong palagay ng mga puno ng estado ng Tsina at Amerika noong nagdaang taon, kaugnay ng pagbalangkas ng nabanggit na COC at pagtatatag ng mekanismo ng pagpapaalam sa isa't isa hinggil sa kanilang mga pangunahing aksyong militar.

Idinagdag pa ni Yang na nitong ilang taong nakalipas, madalas na pumapasok ang mga eroplano at bapor ng hukbong Amerikano sa himpapawid at karagatan kung saan nagsasagawa ang Tsina ng pagsasanay-militar. Ipinagdiinan niyang delikado ang ganitong malapit na pagmamanman ng hukbong Amerikano, dahil di-inaasahan at walang pagpapaalam ang mga ito.

Inulit din ni Yang na laging tumatalima ang Tsina sa batas at praktis na pandaigdig sa pagsasagawa ng nasabing mga pagsasanay.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>