Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, nakipagtagpo sa matataas na opisyal-militar ng SCO

(GMT+08:00) 2014-08-29 09:26:02       CRI

Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing sa mga Chief of General Staff ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization(SCO), na kinabibilangan ng Kazakhstan, Kyrgyzstan, Rusya, Tajikistan at Uzbekistan, binigyang-diin ni Xi Jinping, Chairman ng Komisyong Militar ng Tsina na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng naturang limang bansa para komprehensibong tupdin ang narating na pangmatagalang tratadong pangkaibigan at pangkapitbansa ng SCO. Ani Xi, dapat palakasin ang papel ng SCO sa pangangalaga sa kaligtasang panrehiyon, pagpapasulong ng kaunlarang pangkabuhayan, at pagpapalakas ng pagpapalitan sa larangan ng humanidad.

Tinukoy niyang bilang kasapi ng SCO, igigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad at pagkatig sa prinsipyong mapagkaibigan, matapat, maginhawa at pagsasasgawa ng inklusibong patakarang panlabas sa mga kapitbansa. Dagdag pa niya, nakahanda itong pahigpitin ang estratehikong pakikipagpalitan sa iba pang kasapi ng SCO sa larangan ng magkakasamang pagbibigay-dagok sa terorismo, ekstrimismo, at separatismo para pangalagaan ang katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.

Bilang kinatawan ng naturang limang bansa, ipinahayag naman ng Chief of General Staff ng Tajikistan na mabunga ang pagtutulungan ng mga kasaping bansa ng SCO, sa larangang panseguridad at pandepensa. Dapat aniyang tupdin ng mga tropa ng SCO ang komong palagay na narating ng kani-kanilang mga kataas-taasang lider, at magkakasamang magsikap para pangalagaan ang seguridad at kapayapaan ng rehiyon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>