Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga opisyal militar ng Kambodya, dumalaw sa Tsina

(GMT+08:00) 2014-08-29 15:53:32       CRI

Beijing, Tsina—Nakipagtagpo kahapon si Wang Guanzhong, Pangalawang Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng People's Liberation Army ng Tsina,sa mataas at katamtamang antas na opisyal na militar ng Kambodya na pinamumunuan ni Nim Sowath, Mataas na opisyal sa Ministri ng Tanggulang Bansa. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wang na nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Kambodya, para palakasin ang estratehikong koordinasyon, at palalimin ang aktuwal na kooperasyon, upang pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang tropa sa mas malawak na larangan, mas malalim at mataas na antas.

Sinabi ni Wang na pinahahalagahan ng tropa ng Tsina ang malalim na pagkakaibigan ng mga tropa ng dalwang bansa. Dapat lalo pang palaksin ang pagpapalitan ng mga opisyal militar ng dalawang bansa para pabutihin ang pagkaunawa, pagtitiwalaan at pagkakaibigan ng dalawang bansa, dagdag pa ni Wang.

Pinasalamatan naman ni Nim Sowath ang pagkatig at tulong na ipinagkaloob ng Tsina para sa konstruksyon ng bansa at tropa ng Kambodya. Sinabi niyang nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina, para magkakasamang pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng tropa ng dalawang bansa.  

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>