Natapos ngayong araw sa Chengdu, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang 6-araw na multinasyonal na pagsasanay laban sa lindol sa pag-oorganisa ng UN International Search and Rescue Advisory Group.
Ang kasalukuyang pagsasanay ay nasa ilalim ng pag-iisponsor ng Tsina at Amerika. Lumahok dito ang 142 eksperto sa emergency rescue at miyembro ng mga rescue team mula sa UN at 16 na bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko na kinabibilangan ng Tsina, Amerika, Timog Korea, Australya, Singapore, Thailand, Indonesya, Laos, at iba pa.
Ang mga pangunahing nilalaman ng pagsasanay na ito ay kinabibilangan ng pagpapalabas ng pandaigdig na babala kaugnay ng lindol, pagpapakilos ng mga search and rescue team, pagkokoordina sa search and rescue operation, paglilikas ng mga mamamayan, at iba pa.