Bilang tugon sa kalagayan ng Ukraine, ipinahayag kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na hindi inaasahan ng kanyang bansa ang malawakang sagupaan. Pero aniya, patuloy na palalakasin ng Rusya ang puwersang nuklear, bilang paghahanda sa iba't ibang uri ng pananalakay.
Nang araw ring iyon, nakipag-usap sa telepono kay Putin si Pangulong Jose Manuel Barroso ng European Commission. Nagpahayag si Barroso ng labis na pagkabahala sa isyu ng Ukraine. Aniya, ipinakikita ng kasalukuyang kalagayan na walang epekto ang pagsisikap ng Unyong Europeo para sa paglutas sa isyu ng Ukraine.
Sa isa pang development, isiniwalat kahapon ng White House na sa susunod na linggo, dadalaw si Pangulong Barack Obama sa Europa at lalahok sa Summit ng North Atlantic Treaty Organization. Tatalakayin sa summit na ito ang hinggil sa pagpapalakas ng tulong sa Ukraine sa mga aspekto ng pulitika at seguridad, at pagpapalawak ng sangsyong pangkabuhayan laban sa Rusya para pilitin itong tumahak sa diplomatikong landas kaugnay ng krisis ng Ukraine.