Ayon sa pahayag na ipinalabas kagabi sa Brussels,ng European Council (EC) pagkatapos ng Espesyal na Summit ng Unyong Europeo (EU), babalangkasin ng Komisyon ng EU ang isang plano sa loob ng 7 araw para isagawa ang ibayo pang sangsyon sa Rusya batay sa pag-unlad ng kalagayan ng Ukraine.
Sinabi ni Herman Van Rompuy, Tagapangulo ng EC, na ang sangsyon ay naglalayong mapigilan ang paggamit ng Rusya ng ibayo pang aksyong militar sa Ukraine.
Hinimok din niya ang Rusya na isagawa ang konstruktibong kooperasyon sa EU at Ukraine para lutasin ang krisis ng Ukraine sa paraang pulitikal.