Ang ika-31 ng Agosto ay Pambansang Araw ng Malaysia. Sa isang pagtitipon para sa pagdiriwang sa araw na ito, ipinahayag ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia na dapat palakasin ang pagkakaisa at kompiyansa ng mga mamamayan upang sila ay maging matagumpay, at maitatag ang isang masaganang lipunan para pataasin ang kakayahang kompetetibo ng bansa sa daigdig.
Ipinalalagay niyang ang pagkakaisa ay magsisilbing puwersang magsusulong sa Malaysia upang mapagtagumpayan ang ibat-ibang hamong posibleng maganap sa hinaharap, tulad nang maganap ang mga insidente ng Malaysia Airlines.