Ayon sa ulat kahapon ng panig militar ng Iraq, inilunsad nang araw ring iyon ng tropang panseguridad ng bansa ang malawakang ganting-salakay sa Amirli, Lalawigang Salah ad Din sa kahilagaan ng bansa, at matagumpay nilang nabawi ang lugar na ito sa kamay ng mga ekstrimista. Ang Amirli ay mahigit dalawang buwang napasakamay ng estrimistang organisasyong "Islamic State (IS)." Kasabay nito, ipinatalastas ng Australia at Alemanya ang paglahok sa airdrop ng munisyon sa armadong organisasyon, na nasa Kurdistan, rehiyon sa hilagang Iraq.
Salin: Vera