Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalwang Premyer Tsino, nakipagtagpo sa mga lider ng iba't ibang bansa na kalahok sa Ika-4 na CAE EXPO

(GMT+08:00) 2014-09-01 18:01:48       CRI

Magkahiwalay na nakipagtagpo ngayong araw sa Urumchi si Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina kina Punong Ministro Karim Masimov ng Kazakstan, Punong Ministro Dzhoomart Otorbaev ng Kyrgyzstan, at Pangalawang Tagapangulo ng Parliamento Zviad Dzidziguri ng Georgi: lahat ay kalahok sa Ika-4 na China - Asia Europe Expo o CAE EXPO.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Masimov, ipinahayag ni Wang na ang pagtitiwala at pagtutulungan ng Tsina at Kazakstan sa iba't ibang larangan ay nagdulot ng totohanang pag-unlad sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at nakapag-ambag ng malaki sa katatagan at kaunlaran ng buong rehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina na ibayo pang palakasin ang pakikipagtulungan sa Kazakstan, sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, enerhiya, yaman, pag-uugnayan, pangangasiwa ng batas, seguridad, at iba pa. Ipinahayag naman ni Masimov na masiglang tinutugon ng kanyang bansa ang mungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina tungkol sa magkasamang pagtatayo ng Silk Road Economic Belt, at nakahanda ang kanyang bansa na palawakin ang pakikipagtulungan sa Tsina.

Sa kanya namang pakikipagtagpo kay Otorbaev, sinabi ni Wang na dapat ibayo pang palalimin ng Tsina at Kyrgyzstan ang pragmatikong kooperasyon, likhain ang bagong punto ng paglago sa kalakalan, palakasin ang kooperasyon sa natural gas, transportasyon, agrikultura, at pag-uugnayan ng iba't-ibang lugar ng Tsina at Kyrgyzstan. Ipinahayag naman ni Otorbaev na buong tatag na kinakatigan ng kanyang bansa ang pagsisikap ng Tsina sa pangangalagaan ng kaligtasan at katatagan ng bansa, at nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina, sa iba't ibang larangan.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Dzidziguri, sinabi ni Wang na papayuhan ng Tsina ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa Georgia, para mapalawak ang kooperasyong may mutuwal na kapakanan, sa larangan ng agrikultura, pagtatanim at pagpoprodyus ng tsaa, kalakalan ng grape wine, imprastruktura, at komunikasyon. Sinabi naman ni Dzidziguri na umaasa siyang palalakasin ng Tsina ang pamumuhunan sa kanyang bansa at ibayo pang isasagawa ang multi-kooperasyon.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>