Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sandatahang Lakas ng Pilipinas, titiyaking ligtas si Pope Francis

(GMT+08:00) 2014-09-02 18:54:46       CRI

BALITANG MAY MGA PILIPINONG LUMAHOK SA ISLAMIC STATE, INAALAM PA.  Ginagawa ng Armed Forces of the Philippines ang pag-alam kung mayroon ngang mga Filipino na lumahok sa grupo ng mga terorista.  Tiniyak din ni General Catapang na gagawin nila ang lahat matiyak lamang na ligtas ang paglalakbay sa Pilipinas ni Pope Francis.  (Melo M. Acuna)

SA likod ng mga balitang may mga Filipinong lumahok na sa Islamic State na sangkot sa madudugong pangyayari sa Gitnang Silangan, partikular sa Syria at Iraq, kumikilos ang intelligence community upang alamin ang detalyes.

Noong isang linggo ay nasangkot naman ang mga rebeldeng kabilang sa Al Nusra sa pagtatangkang kubkubin ang mga kawal Filipino sa Positions 68 at 69. Hindi nagtagumpay ang kanilang pagkilos sapagkat nanglaban ang mga Filipino na tumagal sa pitong oras.

Sa isang press briefing para sa mga kasama sa Foreign Correspondents Association of the Philippines kanina, sinabi ni General Catapang na inaalam ng mga opisyal at tauhan ng intelligence community kung mayroong mga Filipinong lumahok sa mga rebelde. Unang lumabas na mayroong mga Americano at European nationationalities na pumasok na, nagsanay at nakikipaglaban na sa panig ng JI at IS sa Gitnang Silangan.

Ipinaliwanag ni General Catapang na ginagawa ng Armed Forces of the Philippines ang lahat upang maging tunay na makabuluhan at payapa ang pagdalaw ni Pope Francis mula ika-15 hanggang ika-19 ng Enero ng taong 2015.

Naunang ibinalita ni Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle, Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Guiseppe Pinto, Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. at Pasig Bishop Mylo Hubert C. Vergara ang pagdalaw ni Pope Francis noong nakalipas na Martes, ika-29 ng Hulyo.

Sa kanyang pagdalaw sa Pilipinas, makakadaupang-palad niya ang mga biktima ng bagyong "Yolanda" sa Silangang Kabisayaan, mga pamilyang Filipino, mga kabataan at mga pari't relihiyoso sa Metro Manila.

Marami-raming public appearances si Pope Francis bukod sa kanyang pagdalaw kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Malacañang.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>