Kinumpirma kahapon ni Bulent Arinc, Pangalawang Punong Ministro ng Turkey ang pagpatawag ng Foreign Affairs Ministry sa Charge d'affaires ng Amerika sa Turkey bilang tugon sa naiulat ng media ng Alemanya na pagmamanman ng Amerika sa Turkey.
Nauna rito, ipinahayag din ni Pangulong Recep Tayyip Erdoğan ng Turkey na tatalakayin nito, kasama ng mga lider ng mga katugong bansa ang hinggil dito, sa NATO Summit at Pangkalahatang Asemblea ng UN. Isasagawa rin aniya ng Turkey ang mga katugong imbestigasyon.