|
||||||||
|
||
Ayon sa Departamento ng Pagpigil at Pagbabawas ng Kalamidad ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Thailand, nitong ilang araw na nakalipas, bumuhos ang malakas na ulan sa mga bahagi ng Thailand, na nagdulot ng pagbaha sa 17 probinsya ng bansang ito.
Hanggang kahapon, di-kukulangin sa 6 katao ang nasawi sa kalamidad. Ayon sa pagtaya ng awtoridad ng Thailand, tatagal ang malakas na ulan sa bansa hanggang katapusan ng kasalukuyang linggo.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |