Isang landmine ang nadaanan kahapon sa Aguelhok sa dakong Hilaga ng Mali ng isang kotse na may lulang mga pamayapang kawal ng United Nations (UN). Ang insidenteng ito ay nagresulta sa pagkamatay ng 4 at pagkasugat ng 15.
Ayon sa grupong pamayapa ng UN sa Mali, Taga-Chad ang mga kawal sa naturang kotse.
Pagkatapos ng insidente, kinondena ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang naturang pag-atake sa mga pamayapang tauhan sa Mali. Sinabi niya na patuloy na kakatigan ng UN ang determinasyon ng mga mamamayan ng Mali sa pagsasakatuparan ng kapayapaan.
Salin: Ernest