|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Ukraine na isinagawa ng Rusya ang bukas na pananalakay sa bansang ito.
Kinondena ni Yevgeny Pelebinis, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Ukraine, ang pag-atake ng tropang Ruso sa mga instalasyong militar, at mga pasilidad na pampubliko ng mga lunsod nito.
Sinabi niya na gagamitin ng kanyang bansa ang mga katugong hakbangin para mapangalagaan ang sariling karapatan at kapakanan. Bukod dito, nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na ipagkaloob ang mga tulong para sa ganting-salakay ng Ukraine sa Rusya.
Kaugnay nito, pinabulaanan ng Rusya ang pagsangkot ng tropang Ruso sa sagupaang sibil ng Ukraine. Umaasa aniya si Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na hihimukin ng Amerika ang Ukraine na lutasin ang kasalukuyang krisis sa paraang pulitikal.
Samantala, ipinahayag ni Federica Mogherini, Ministrong Panlabas ng Italiya at Bagong Mataas na Komisyoner ng Unyong Europeo (EU) na namamahala sa mga suliraning panlabas at panseguridad, na ipapasiya ng EU ang bagong plano ng sangsyon sa Rusya bago ika-5 ng buwang ito.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |