Ipinahayag kahapon ni Thirachai Phuvanatnaranubala, Commander ng Unang Corps ng Thailand, na imumungkahi niya kay Prayuth Chan-ocha, Tagapangulo ng Komisyon ng Pangangalaga sa Kapayapaan at Kaayusang Pang-estado, at Punong Ministro ng pamahalaang transisyonal, na ayon sa pragmatikong kalagayan ng iba't-ibang probinsya ng bansa, maaring maagang kanselahin ang martial law sa mga pangunahing panturistang lugar ng bansa.
Ipinahayag kamakalawa ni Prayuth Chan-ocha na upang mapangalagaan ang kapayapaan at kaayusan ng bansa, ipagpapatuloy ang pagsasagawa ng naturang batas na tumagal na ng tatlong buwan.
Salin: Li Feng