|
||||||||
|
||
Sinabi pa ni Suga na dahil sa "misreporting" ng ilang media ng Hapon noong panahong iyon, naapektuhan ang ilang bahagi ng nasabing UN report at ikinalulungkot ng pamahalaang Hapones ang isyung ito. Sa hinaharap, ipapaliwanag ng Hapon ang paninindigan ng bansa sa isyung ito sa buong komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng UN, dagdag pa ni Suga.
Noong 1996, isinagawa ng Commission on Human Rights ng UN ang nagsasariling imbestigasyon hinggil sa isyu ng comfort women, at ipinalabas ang ulat hinggil dito. Sa ulat, kinumpirma ang katotohanan na puwersahang nangilak ang Hapon ng mga comfort women para sa tropang Hapones. Hiniling ng ulat na ito na dapat isabalikat ng pamahalaang Hapones ang responsibilidad, humingi ng paumanhin sa mga biktima at magbigay ng kompensasyon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |