Idinaos kahapon sa Nanjing, lunsod sa silangang Tsina, ang ika-21 pulong na ministeryal ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) hinggil sa small and medium enterprises (SMEs).
Ipinalabas sa pulong na ito ang deklarasyon hinggil sa pagpapasulong ng inobasyon at sustenableng pag-unlad ng mga SMEs. Nanawagan ang deklarasyon sa iba't ibang kasapi ng APEC na bigyang-pansin ang papel ng naturang mga SMEs sa pagpapaunlad ng kabuhayan, at palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng kani-kanilang mga bahay-kalakal na ito, para sila ay maging bagong lakas na tagapagpasulong sa pagbangon ng kabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko.