Binatikos kahapon ng pamahalaan ng Ukraine at mga lokal na sandatahang lakas sa silangang bahagi ng bansang ito ang isa't isa sa paglabag sa tigil-putukan.
Sinabi ng kapwa panig na ang kabilang panig ay naglunsad ng mga atake na nagdulot ng kasuwalti. Pero, sinabi rin nilang pananatilihin ang tigil-putukan.
Bagama't narating ng mga nagsasagupaang panig ng Ukraine ang kasunduan sa tigil-putukan, hindi pa rin nahihinto ang armadong sagupaan. Simula kahapon ng umaga, naririnig ang mga tunog ng pagpapaputok ng baril at kanyon sa Donetsk, isang lunsod sa silangang Ukraine.