Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga matatamong bunga ng gaganaping SCO Summit, sa palagay ng sugong Tsino sa Rusya

(GMT+08:00) 2014-09-09 09:37:33       CRI

Ang Ika-14 na Shanghai Cooperation Organization (SCO) Summit ay idaraos sa Dushanbe, kabisera ng Tajikistan, mula ika-11 hanggang ika-12 ng buwang ito.

Kaugnay ng mga pangunahing paksa sa gaganaping summit na may kinalaman sa relasyong Sino-Ruso, pagdaragdag ng bansang tagamasid ng SCO, prospek ng pagtutulungan ng organisasyon, pagbibigay-dagok sa terorismo, at Silk Road Economic Belt, humarap si Li Hui, Sugong Tsino sa Rusya sa mga media na Tsino para talakayin ang mga ito.

Kapuwa lalahok sa summit sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya. Ito ay magiging ika-apat na pagtatagpo ng dalawang pangulo sa taong ito. Kaugnay nito, sinabi ni Li na magbabalik-tanaw ang dalawang puno ng estado sa mga natamong bunga sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Rusya. Mag-uusap din sila kung paano ibayo pang pasusulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa kabuhaya't kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, hay-tek, inobasyon, konstruksyon ng trans-border infrastructure, lalo na sa mga estratehikong proyekto. Umaasa ang dalawang bansa sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap, maisasakatuparan ang 200 bilyong dolyares na target na bilateral na kalakalan. Magpapalitan din sina Xi at Putin ng kuru-kuro hinggil sa mahahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.

Sinabi pa ng sugong Tsino na nitong 13 taong nakalipas sapul nang buuin ang SCO, nagsisilbi itong mabisang mekanismo at konstruktibong lakas sa pagpapasulong ng katatagang panrehiyon at magkakasamang pag-unlad ng mga kasaping bansa. Bilang bunga ng gaganaping summit, ilalabas ng mga kasaping bansa ang Deklarasyon ng Dushanbe at Press Release.

Susuriin din ng mga kasapi ang isang balangkas na proposal hinggil sa mga prosidyur ng pagdaragdag ng mga bansang tagamasid. Sa kasalukuyan, may limang bansang tagamasid ang SCO na kinabibilangan ng Iran, Pakistan, Afghanistan, Mongolia, at India. Mayroon din itong tatlong dialogue partner na kinabibilangan ng Sri Lanka, Belarus at Turkey.

Ang pagbibigay-dagok sa terorismo ay isa sa mga priyoridad ng pagtutulungan ng mga miyembro ng SCO. Ipinalalagay ng sugong Tsino na ang katatagan ng rehiyon ay nagsisilbing pinakapangunahing pundasyon para sa pagtutulungan ng mga kasaping bansa. Nitong ilang taong nakalipas, buong sikap na pinapatupad ng mga kasaping bansa ang mga dokumentong pangkooperasyon sa pakikibaka laban sa terorismo, ekstrimismo at separatism para mapangalagaan ang katatagan ng rehiyon. Katatapos lang ng Peace Mission 2014 Anti-terror Drill ng SCO. Ito ang ikalimang magkasanib na ensayo laban sa terorismo ng organisayong ito.

Kaugnay ng Silk Road Economic Belt na iminungkahi ni Pangulong Xi noong 2013, sinabi ng sugong Tsino na ito ay isang proposal na pangkapayapaan at pangkaunlaran at hindi ito entity. Nagtatampok ito sa pagiging bukas at inklusibo. Kasabay nito, ibabatay ng Silk Road Economic Belt ang bilateral at multilateral na mekanismong pangkooperasyon ng mga bansa sa kahabaan ng Silk Road.

Ang SCO ay binuo noong 2001 sa Shanghai at ang anim na miyembro nito ay kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan at Uzbekistan.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>