Pagkaraan ng pagkabigo kamakailan ng Red and White Coalition na pinamunuan ni Prabowo Subianto sa pambansang halalang pampanguluhan sa Indonesia, hinihiling nitong baguhin ang sistemang electoral sa gagawing halalang lokal at gamitin ang nominasyon mula sa lehislaturang lokal, para maiwasan ang dayaang posibleng maganap sa halalan sa lokalidad.
Kaugnay nito, ipinalalagay naman ni bagong halal na Pangulo Joko Widodo ng Indonesia na kung isasagawa ang naturang sistemang electoral, walang anumang pagkakataon ang mga sibilyan na magwagi sa halalan. Aniya pa, ito ay makakasama sa sistemang demokratiko ng bansa.