Ipinahayag kamakailan ng Amerika at ilang bansang Europeo na palalakasin ang paglaban sa Islamic State (IS).
Ipinatalastas kagabi ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na isasagawa ng kanyang bansa ang mas malakas na air raid sa IS, at posible ring isagawa ang operasyong militar sa mga target ng IS sa loob ng Syria. Nasa Iraq naman ngayon si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, para makipagsanggunian sa mga lider ng Iraq hinggil sa paglaban sa IS.
Samantala, sinabi kahapon ni Ministrong Panlabas Laurent Fabius ng Pransya, na kung may pangangailangan, lalahok ang kanyang bansa sa mga air raid sa IS.
Ipinahayag naman ni Roberta Pinotti, Ministro ng Tanggulan ng Italya, na dapat palakasin ng mga intelligence service ng iba't ibang bansa ng Unyong Europeo ang kooperasyon bilang tugon sa posibleng banta ng IS sa Europa.
Salin: Liu Kai